Saturday, July 31, 2010 01:44

New year Post

Happy New Year sa Inyo. Ayan nasabi ko na! Pasensiya na, di ako big fan ng Holidays kahit OK naman yung naging holidays para sa akin.

This year balak ko paunlarin ang sarili ko kasi the past year, parang naging milestones lang ng buhay ko ay (a) learning I can drink 12 hours straight; (b) Half-sex; (c) weird sex; and (d) Getting really drunk and not knowing what happened in between waking up. Naging patapon pala ang buhay ko ng 2007. So this year, I will try to go online more often and do the things that I have been doing before like… wala pala akong ginagawa masyado dati, I take that back. This year I intend to resign from work.  Find myself (pag nakita nyo, sabihin nyo sa akin agad) and probably write more (I used to write mediocre poems and sell essays to classmates when I was in college).

————–

The past two days, I have been reading a lot. Parang possessed ako, di ko man lang natingnan yung Discovery channel na ini-launch sa Cable namin.  Sa tabi ng higaan ko meron akong 2 science books, 2 short story collection, 1 collection ng essays, 1 travelogue-novel tungkol sa China, at yung Dialogues ni Plato. natapos ko na rin yung Fragile Things ni Neil Gaiman kahapon… pa-skip-skip ako ng libro.

Medyo sumakit ang ulo ko kaya nagkaroon ako ng strong desire na humarap sa computer. Kasi mula nang umuwi ako ng umaga noong Sunday, libro na ang kaharap ko… matutulog ako… pag gising ko, iinom lang ng tubig tapos basa ulit… tapos tingin ng konti sa TV, tapos maiinis ako sa mga palabas kaya basa ulit, light meals lang in between reading. Pumasok lang ako sa trabaho kanina at umuwi ako agad at nagbasa ng libro. Now, that’s how I celebrated my New Year. At iniisip ng mga tao na pag-inom lang ang pinagkakaabalahan ko. Nagulat sila kanina sa komento ko tungkol sa breakdown ng carbohydrates kanina nung nag-uusap sila tungkol sa diet. Ganun na ba ka-bobo ang hitsura ko?

I have to admit na di na ako nagbabasa ng libro for the past couple of months kaya ewan ko kung anong sumapi sa akin ngayon. Last time na nagbasa ako ng ganitong ka-heavy ay nung nagpaka-bum ako ng 3 years after High School. Not really my finest hours, I mean days, I mean, not my finest years.

There’s something going on with me right now. Di ko pa alam. At least productive ang hindi ko ma-explain na force na pinagbabasa ko. Kahit pagod, basa pa rin akong basa. Para akong naka-reading-steroids!

Tags: ,

No Responses to “New year Post”

  1. Maldito says:

    baka epekto ng year of the rat?ahahhaa…..lucky daw kami ngaun year..tgan nga natin//ako nalang magbasa para sayu..wokix?happi nude year!!i mean new year!

  2. jeeper says:

    Happy new year din. Di ko alam kung ano kapalaran ng mga aso ngayong taon na ito. Hehehe.

  3. Maldito says:

    wala pa ring bago?huhuhuh…i love reading ur posts..i can relate…:)

  4. jeeper says:

    Hahaha! Wala pa ring bago kasi… tinatamad ako maggawa ng post masyado. Baka bukas na lang.

  5. makoy says:

    tama write more literary stuff.. tingin ko magaling ka tlg..

Leave a Reply