Ang init ng panahon. Buti na lang nakuha ko yung backpay ko (disappointingly small, letse!) at may panggastos na ulit ako. Guto ko lumabas ng bahay ng madalas dahil wala kaming aircon. At parang torture ang paglalagi doon.
Madalas ako tumambay sa bahay ng kaibigan ko pero sa kasamaang palad, yung apartment nya ay parang toaster (in case na binabasa mo ito, small cute toaster na pink para di naman nakakainsulto). Wala na akong mapagtaguan.
Pati aso ko tinatamad tumayo.
Magastos ang mag-mall.
Mahilig ako matulog ng tanghali pero di ko magawa kasi mainit. Parang sumisilab ang balat ko!
Ang init di naman ako nag-iinit.
