Nagsimula na ako ng trabaho kagabi. Panibagong adjustment at mga bagong mga tao na kailangan makasalimuha. At ang masasabi ko lang… hindi ako magtatagumpay sa plano ko na maging bahagi ng isang grupo. Bigla kong na-miss yung wavemates ko sa dati kong kompanya (panget man ang management, OK lang yung mga tao) dahil naging bahagi ako ng buhay nila. Sila yung nagungulit sa akin pag hinihiwalay ko yung aking sarili.
Sana nasa floor agad, at least pwede akong maging loner. Ayoko talaga sa classroom learning.
