The First Day

Nagsimula na ako ng trabaho kagabi. Panibagong adjustment at mga bagong mga tao na kailangan makasalimuha. At ang masasabi ko lang… hindi ako magtatagumpay sa plano ko na maging bahagi ng isang grupo. Bigla kong na-miss yung wavemates ko sa dati kong kompanya (panget man ang management, OK lang yung mga tao) dahil naging bahagi ako ng buhay nila. Sila yung nagungulit sa akin pag hinihiwalay ko yung aking sarili.

 Sana nasa floor agad, at least pwede akong maging loner. Ayoko talaga sa classroom learning.

Ang kaibigan kong si Kitty Kat (andaming pusa sa buhay ko), sabi wag na daw akong maging suplado this time. Malabong mangyari kasi di ako suplado, sadyang mahirap lang para sa akin ang makipagkapwa-tao (makes you wonder why I lasted this long in a call center).

Yung kaibigan ko may term sa uri ng mga call center na ma-porma at maangas: call center jocks. At hindi ako bahagi ng ng grupo na iyon. Alam nyo naman, I don’t mingle with people na mataas ang antas sa akin sa lipunan, you know (Sige, pipigil na ako). O baka nai-insecure ako… OOOOY!!!

Kaya ayun, solo flight na naman ako, mag-yosi, kumain at kung anu-ano pa.

Naalala ko talaga two years ago sa blog ko dati, yung mga tao na pinagtawanan ko yung mga naging aking mga tunay na kaibigan.

Namimiss ko na talaga ang mga kaibigan ko at nagsisisi ako na di ko nagawa maging malambing sa kanila. As if kaya ko maging malambing! Kaya ayun, kung di lang sa pera di na ako magtatrabaho sa call center.

Apat na buwan akong bum, hirap mag-adjust sa tulog.

O buhay! Kelan ba yayaman ang aking mga magulang?!

PS Kung tatanungin nyo, Tech Support Rep na naman ako sa isang cable ISP. Pero kailangan pumasa muna ng training ng isang buwan.

PPS Letse! Parang online journal na talaga ang blog ko.

6 Responses to “The First Day”


  1. 1 Maldito May 8, 2008 at 6:33 pm

    ganun naman din naman ang essence ng blog e..online journal..ako?naghahanda na ng sarili para mag resign..cant take it anymore…the management sucks..tapos graveyard na din ako sa monday.lahat na ng trabaho dito nagwa ko,pero ang sahod pang agent paren.potah!

  2. 2 skwayred May 9, 2008 at 4:09 pm

    Gano’n din ako dati sa bagong office. ‘Yung mga feeling ko di ko makaka-close sila pa pinaka naging ka-close ko. Hehe. Good luck sa bagong environment. Makakakita ka din d’yan ng friends ulit.

  3. 3 Dor May 9, 2008 at 4:13 pm

    Haha, Teletech No?

    jeeper reacts: Not anymore, I am no longer associated with the company.

  4. 4 wei vines May 10, 2008 at 9:50 pm

    hehehe… yun din naman gawain ko: online journal…basta malinis na trabaho, ayos! =)

  5. 5 cliogoddess May 10, 2008 at 9:53 pm

    gudluck, bwahahha

  6. 6 melanie June 24, 2008 at 3:29 pm

    hi gusto makasama d2

Leave a Reply




A Blog by jeeper

Just read along. These are opinions and adventures (or the lack of it) of a misguided Filipino struggling to make the most and make sense of his meaningless and boring existence.

 

May 2008
S M T W T F S
« Apr   Jun »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031

Categories

Archives

email

For people with email addresses that end a pinoywasteland DOT com (yeah, meron akong mga binigyan), sign in here.

CONTACT

If you wanna leave me a message, make a comment on any of the post or pages in this site or if you wanna make it private, email me, info@pinoywasteland.com

No spammers allowed. Discretion ko kung sasagutin ko yan!

YM: bzou_27

If you want to read the protected posts, just contact me in any means I metioned above.