Saturday, July 31, 2010 01:35

Piling up the books

Nanggaling kami ng Robinson’s Galleria ng kapatid ko, I ended up buying 4 more books. Sale kasi. Kahapon nakabili ako ng isa pang libro na mura (20 pesos lang naman).

The problem with me is I have too much books but I don’t have a space to stock them up. I end putting them in a big plastic box, takot ako sa paper kasi baka anayin. As of this writing, my catalogued books at librarything is 131. Yun ay ang mga naka-catalog, di ko pa iniisa-isa yung mga books ko. Di pa kasama ang libro ni meowy na hanggang ngayon nasa akin at ayaw niya pa kunin. Bumili ako ng plastic box. Isa… dalawa… tatlo pero parang kalabisan na ang isa pang plastik na kahon. Pinaka-alaga ko ay ang mga graphic novels dahil sila ang gusto ng insekto at nakatago sila dun sa isang plastic box. Sabi nila dapat ay ilagay ko sila sa protective sleeves pero parang di ba yun O.A./O.C.?

Di ako nararamihan sa mga libro ko. True bibliophiles have more. I don’t have as much books as I want to (kasi mahirap lang kami at nung college ako talagang kailangan ko pa mag-ipon para makabili ng libro). I have not read as many books as I want. And for one thing, I am not a bookworm! I just read. May mga tao na kaya magbasa ng 1 libro sa loob ng isa o dalawang araw (and that’s a habit), ganun ang bookworm ako ay casual reader lamang mas OK naman yun kesa sa mga tao na nagbabasa lang pag kailangan.

Ngayon, I am in a dilemma. Ano ang gagawin ko sa mga libro ko?

May book shelf kami at dahil tamad ako, alam ko na aalikabukin sila… I need to get a bookshelf na may glass door. Yung good quality na! Pero dahil wala akong pera, kung saan na lang sila nakasingit.

Guso ko sila alagaan pero sa ngayon may mga libro ako na nakaplastik at nasa ilalim ng mga maduming damit. May mga 6 na libro sa tabi ng higaan ko. Karamihan ay nasa 3 Orocan na kahon. Siguro may 2 drawer na may laman at isang backpak na siniksikan ko. Yung iba kung saan saan na lang siniksik para lang wag alikabukin at nakakalat.

Hay! Minsan gusto ko sya ipahiram muna sa ibang tao pero di lahat ng tao ay maalaga sa libro (as if ganun ako ka-careful sa libro)at may mga experiences (higit sa dalawa) na di nagsasauli ng gamit.

No Responses to “Piling up the books”

  1. Maldito says:

    kuya jeep…suggestion…ilagay mo sa ebay yung mga books na least favorites mo…..in that way makakagain ka ng money at makakabili kapa ng mga bagong books….

    o di kaya mag ipon ka para makabili ng cabinet na lalagyang ng books mo.

  2. artery says:

    Ako gusto ko magbasa pero kapag maumpisahan ko na tuloy tuloy na kahit walang kain. Sa ngayon busy ako sa work. Wala na talagang time magbasa. Dami na ng libro na nabili mo. Collection na ang tawag dyan. Huwag mo ng ipahiram o piliin mo lang ang yung taong maalaga sa gamit kahit hindi sa kanila

  3. jeeper says:

    maldito: kailangan ko nga ng cabinet pero wala pa akong era, iniisip ko yung good quality na. Ako kasi medyo pili na yung linro ko kaya parang di ko kayang i-give up yung karamihan. Besides, parang if I want to look back sa mga libro na binasa ko pag tanda ko, makikita ko sila.

    artery: Minsan ganun ako, depende sa klase ng binabasa. Oo nga, minsan parang naging collection na sila bukod sa gamit lamang.

  4. artery says:

    wow artistic photography!

Leave a Reply